Halos tatlong milyong mahihirap na Senior Citizens sa buong bansa ang nakatanggap na ng kanilang social pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ay sa ilalim ng Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC) program ng ahensya para sa una at ikalawang quarter ng 2025.
Ayon kay DSWD Protective Services Bureau (PSB) Dir. Edmond Monteverde, as of May 31, kabuuang 2,204,434 seniors ang tumanggap ng kanilang first quarter pension na nagkakahalaga ng tig-₱3,000.
Samantala, panibagong 751,022 seniors ang tumanggap ng tig-₱6,000 pensyon para sa una at ikalawang quarter ng taon.