Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang concerned government agencies na magbigay ng agarang suporta sa overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng missile strikes ng Israel at Iran.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, ang direktiba ng Pangulo sa Department of Foreign Affairs, Department of Migrant Workers, at Overseas Workers Welfare Administration, ay bilisan ang tulong sa mga OFW, at walang maiiwan.
Idinagdag ni Castro na inatasan din ng Pangulo ang DMW at OWWA na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng OFWs na apektado ng tensyon sa Middle East.
Naka-heightened alert din aniya ang concerned agencies at nakahandang magbigay ng tulong sa mga Pinoy na nasa Israel at Iran.