Humihirit ng taas-presyo ang manufacturers ng canned sardines bunsod ng pagtaas ng halaga ng imported tin sheets na resulta ng paghina ng piso.
Ayon kay Canned Sardines Association of the Philippines Exec. Dir. Francisco Buencamino, umapela ang kanilang grupo sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa tatlong pisong dagdag sa suggested retail price (SRP) sa kanilang produkto.
Sa ngayon aniya, karamihan ng kanilang srp products ay nasa ₱21, at nais sana nilang itaas ito sa ₱24.
Sinabi rin ni Buencamino na sakaling hindi mapagbibigyan ang kanilang hirit na price increase ay mababawasan ang bilang ng brands sa SRP level.