Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kanilang kahandaan para sa mass evacuation ng overseas Filipino workers mula sa Israel.
Gayunman, binigyang diin ni dmw Secretary Hans Leo Cacdac, na kailangan munang ma-assess nang mabuti ang sitwasyon, kabilang na ang air space upang makarating nang tama ang timing.
Sa ngayon aniya ay hindi pa ito maisagawa, lalo na sa gitna ng putukan o hidwaan.
Hinimok din ng kalihim ang mga pamilya dito sa Pilipinas na kumustahin ang kanilang mga kaanak sa Israel sa pamamagitan ng hotlines ng DMW.