dzme1530.ph

Mga rehiyon sa bansa, inaasahang matatayuan na ng mga eskwelahan para sa Math at Science

Loading

Inaasahang matatayuan na ng mga eskwelahan para sa mga mag-aaral na mahusay sa Math at Science ang bawat rehiyon sa bansa.

Ito ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education ay kasunod ng pagpapasa ng panukalang Expanded Philippine Science High School System Act.

Inaasahang lalagdaan ito ng Pangulo sa mga susunod na araw.

Alinsunod sa panukala, itatayo sa bawat rehiyon ang isa o dalawang campuses ng Philippine Science High School na isasailalim sa Department of Science and Technology.

Magkakaloob din ng scholarship sa mga estudyanteng may exceptional aptitude o gifted sa Science at Math.

Ayon kay Gatchalian, sa pamamagitan ng dagdag na science high school mas maraming kabataan ang mabibigyan ng dekalidad na edukasyon sa Science, Technology, Engineering at Mathematics (STEM).

Alinsunod sa panukala, hindi pagsasamahin ang mga campus sa iisang lalawigan kada rehiyon habang kapag sa Metro Manila hindi maaaring dalawa sa isang syudad.

Sa ngayon, 16 lamang ang Philippine Science High School campus sa buong bansa

About The Author