Halos 860,000 na mga pasyente ang na-serbisyuhan na ng Bagong Urgent Care Ambulatory Services (BUCAS) Centers ng Department of Health (DOH), as of June 2025.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, patuloy na nagse-serbisyo ang lahat ng 51 BUCAS Centers sa buong bansa.
Sa pamamagitan aniya ito ng pag-aalok ng karagdagang health services upang maiwasan ang mahahabang pila sa mga ospital ng DOH.
Sinabi ni Herbosa na noong Marso lamang nagsimula ang BUCAS Centers, kung saan 26 ang nag-o-operate sa Luzon, 8 sa Visayas, at 17 sa Mindanao.
Idinagdag ng Kalihim na mayroon ding ibinibigay na libreng gamot sa mga center, gaya ng maintenance para sa high blood at diabetes.
Mayroon din aniyang prenatal check-up para sa mga buntis, libreng bakuna para sa mga bata, at anti-rabies shot para sa mga nakagat ng hayop.