Tinawag naman na “pagtataksil sa constitutional mandate” ang ‘dilly dally attitude’ ng Senado sa impeachment trial ni Vice Pres. Sara Duterte
Giit ni AKBAYAN Rep. Percival Cedaña, constitutional duty ng Senado na mag-convene bilang impeachment court, at hindi dapat bumibigay sa political agenda ng sino man.
Tanong tuloy ni Cendaña kay Senate President Francis Escudero, kung natatakot ba ito kay VP Duterte kaya patuloy na naantala ang paglilitis.
Pagdidiin pa ng kongresista, mismong ang nasasakdal ay nagsabi na handa na itong harapin ang mga akusasyon, habang sa survey ng Social Weather Stations, 90% ng taongbayan ay gustong harapin ng bise presidente ang paglilitis.
Hamon ngayon ng AKBAYAN kay Escudero, i-convene na ang Senado bilang impeachment court, panumpain ang mga senador bilang senator judges, at isakatuparan na ang pagbasa ng House Prosecution Panel sa Articles of Impeachment.