Hindi nagustuhan ng isang kasapi ng House Prosecution Team ang pahayag ng dalawang senador ukol sa impeachment trial laban kay Vice Pres. Sara Duterte.
Ayon kay Iloilo 3rd District Rep. Lorenz Defensor, ang patuloy na delay sa paglilitis kay VP Sara ay pag-abandona sa tungkulin ng Senado para panagutin o malinis ang sangkot na opisyal.
Para kay Defensor, hindi magandang halimbawa ang nangyayari ngayon lalo na sa mga kabataan na magiging lider din sa hinaharap.
Matatandaan na iniurong ni Senate President Francis Escudero sa June 11 ang pagbabasa ng Articles of Impeachment, at ang pag-convene sa impeachment court.
At ngayong umaga lamang sinabi muli ni Escudero na ang 20th Congress na umano ang lilitis kay VP Duterte, samantalang si Senator Francis Tolentino naman ay nagsabi na “functionally dismissed by constitutional operation” ang impeachment kung hindi matatapos hanggang June 30.