Iniatras ng Senado sa June 11 mula sa June 2, ang pagbabasa ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Kinumpirma ito ni Senate President Francis “Chiz” Escudero upang bigyang-daan na talakayin muna ang mga prayoridad na panukalang batas bago mag-adjourn ang 19th Congress.
Dahil anim na sesyon na lang ang natitira sa loob ng dalawang linggo, binigyang-diin ni Escudero na kinakailangang maipasa ang mga nakabinbin na priority measures bago matapos ang 19th Congress.
Mag-a-adjourn naman ang Kongreso sa June 14, 2025
Sa liham na ipinadala kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ngayong araw, Mayo 29, na may kopyang ipinadala rin sa tanggapan ni VP Sara, sinabi ni Escudero na hindi bababa sa 12 mahahalagang panukalang batas na ipinangakong ipapasa ng Kongreso, sa natitirang panahon ng 19th Congress.
Bukod sa pag-apruba ng mga nakabinbin na mga panukalang batas, binanggit din ng liderato ng Senado ang pangangailangang aksyunan ang mahigit 200 na presidential appointments, kabilang na ang tatlong kalihim ng gabinete, apat na opisyal ng mga constitutional commission, 39 na foreign service officers, at 277 na opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Sa sandaling maipresenta ang articles of impeachment sa plenaryo, magco-convene na bilang impeachment court ang Senado at sisimulan na ang paglilitis laban sa Bise Presidente.