Isiniwalat ni Ai-Ai delas Alas na minsan niyang ikinunsidera na pumasok sa politika.
Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda,” inamin ng comedienne na maraming beses siyang inalok na tumakbo para sa public office, kaya nag-aral siya ng public governance sa University of the Philippines.
Isa aniya sa inalok sa kanya ay tumakbo bilang Alkalde ng Calatagan, Batangas.
Gayunman, sa kabila ng mga alok, sinabi ni Ai-Ai na hindi niya itinuloy ang pagkandidato dahil pakiramdam niya ay hindi pa niya kaya na humawak ng mataas na posisyon sa gobyerno.
Idinagdag din ng aktres na ayaw na rin niyang sumabak sa politika dahil bugbog na bugbog na aniya ang kanyang puso at ayaw na niyang masaktan pa.