dzme1530.ph

Mahigit 300 na nagka-problemang makina sa Halalan 2025, mas mababa kumpara sa mga nakaraang eleksyon

Loading

Naniniwala si Comelec Chairman George Garcia na mas mababa pa rin sa mahigit 300 machine-related issues na naitala ngayong Halalan 2025, kumpara sa mga nakalipas na National Elections.

Ginawa ng poll chief ang pahayag sa press conference, isang oras bago magtapos ang botohan, kahapon.

Sinabi ni Garcia na kumpara noong 2022 Elections kung saan 2,500 agad ang pinalitan sa mga unang oras ng botohan, 311 lang na makina ang pinalitan ngayon mula sa 16,000 contingency machines na mayroon sila.

Idinagdag ng Comelec chief na wala namang naitalang major issues, kasabay ng apela sa publiko na huwag magpakalat ng misinformation sa idinaos na halalan.

 

 

About The Author