dzme1530.ph

Comelec nanindigang walang nangyaring dagdag bawas sa quick count kagabi

Loading

Nilinaw ng Commission on Elections na walang dagdag bawas na naganap sa nadobleng bilang ng mga boto na lumabas sa ilang quick count kagabi.

Ipinaliwanag ni Comelec Chairman George Garcia na wala pa silang inilalabas na ranking at total number of votes.

Sinabi ni Garcia na mula sa mga presinto naitatransmit ang mga datos papunta sa Comelec, NAMFREL, PPCRV kasama sa media.

Subalit may program na kinakailangan upang maging human readable ang mga datos dahil sa pagtatransmit ng datos mula sa presinto ay may mga nadodobleng datos.

Ito anya ang nangyari sa ilang media quick count na matapos ang paglilinis nila sa mga datos ay napansin ang dobleng bilang na inakalang dagdag-bawas.

Muling binigyang-diin ni Garcia na ngayong araw pa lamang sila magsisimula ng canvassing at kailangan pa nilang hintayin ang pagpasok sa kanila ng Certificate of Canvass mula sa Provincial, City o Municipal Board of Canvassers.

About The Author