Inanunsyo ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na libre ang sakay sa MRT 3 AT LRT 1 at 2, bilang paggunita sa Labor Day.
Sinabi ni pangulong Marcos na ang libreng sakay ay nagsimula ngayong Miyerkules, april 30 hanggang sa may 3, araw ng Sabado.
Ayon kay Marcos, ipinag-utos niya ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga commuter bilang kaunting pagkilala sa sakripisyo at kontribusyon ng mga manggagawa hindi lamang sa ekonomiya, kundi sa lipunan.