dzme1530.ph

Alyansa, todo ang pasasalamat kay HS Romualdez sa pagsuporta ng Lakas-CMD sa kanilang senatorial slate

Loading

Pinasalamatan ni Alyansa Para sa Bagong Pilipinas campaign manager at Navotas City Rep. Toby Tiangco ang ruling Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) at ang Pangulo nitong si  House Speaker Martin Romualdez sa inanunsyong suporta sa buong senatorial slate ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Sinabi ni Tiangco na malaking tulong sa kandidatura ng 11-miyembro ng Alyansa slate ang suporta ng Lakas-CMD kabilang na ang kanilang mga gobernador, mga mambabatas at mga lokal na lider para maipanalo ang laban sa May 2025 elections.

Muli ring tiniyak ni Tiangco na nananatiling solido ang Alyansa slate sa pagsusulong ng reform agendas ni Pangulong Marcos.

Sa tulong aniya ng Lakas-CMD, tiwala silang maihahalal ng taumbayan ang mga lider na handang tumulong sa administrasyon upang mapaunlad ang ekonomiya.

Ngayong araw ay umarangkada naman ang sabay-sabay na kampanya ng buong tiket ng Alyansa sa lalawigan ng Pampanga.

Nag-ikot ang mga kandidato sa Porac, Angeles City, San Fernando City at Lubao.

Sinabi ni Tiangco na hindi sila nagtungo sa Pampanga para lamang mangampanya kundi upang makipagtulungan sa mga Kapampangan para bumuo ng pangmatagalang kaunlaran.

About The Author