Muling nanguna ang 4Ps Party-List sa inilabas na survey ng Stratbase-SWS na ginawa nito lamang April 11 hanggang April 15, 2025.
Sa face-to-face survey ng SWS sa 1,800 adult respondents, 8.08% intended votes ang nakuha ng 4Ps Party-List, sapat na para mabigyan sila ng tatlong upuan sa papasok na 20th Congress.
Sa 1,800 respondents nationwide, 300 nito ay nagmula sa Metro Manila, 900 sa balance Luzon o labas ng Metro Manila, 300 sa Visayas, at 300 din sa Mindanao.
Tanong sa survey, “Kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon, sino ang pinakamalamang na iboboto mo bilang Party-List?
Karamihan sa mga na-survey ay 4Ps Party-List ang pinili sa buong bansa.
Maging sa iba pang survey firms, consistent sa top 3 ang 4Ps Party-List para sa darating na halalan sa May 12.