dzme1530.ph

Agarang pagkakaaresto sa 3 suspek sa pagpatay sa negosyanteng si Anson Que, pinuri ni HS Romualdez

Loading

Kinilala ng liderato ng Kamara ang mabilis na aksyon ng PNP sa agarang pag-aresto sa pumatay sa negosyanteng si Anson Que at driver nito.

Partikular na pinuri ni House Speaker Martin Romualdez si PNP Chief Rommel Marbil sa mabilis nitong pagresolba sa krimen at ipinakita na kaya nitong protektahan ang publiko laban sa organized crimes.

Tatlong suspek ang nasa kustodiya na ng PNP Anti-Kidnapping Group, kabilang dito si David Tan Liao, isang Chinese national na kusang sumuko at umamin na bahagi siya sa krimen.

Umaasa si Romualdez na agad matutukoy at mahuhulog sa kamay ng otoridad ang mastermind ng karumal-dumal na krimen.

Handa naman ang Kamara na suportahan ang mga panukalang batas na magpapataas sa kapabilidad ng law enforcement agencies at criminal justice system sa bansa.

About The Author