dzme1530.ph

Operasyon ng mga tren, balik na sa normal matapos ang Holy Week maintenance

Loading

Balik na sa normal na operasyon ang mga tren sa Metro Manila, ngayong Lunes, matapos sumailalim sa maintenance sa nagdaang Semana Santa.

Sa social media post, inihayag ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na 4:30 a.m. ang first ride sa North Avenue Station habang 5:05 a.m. sa Taft Avenue Station.

Mananatili ang extended operations hanggang 10:30 p.m. sa North Avenue Station sa North Avenue Station habang 11:09 p.m. sa Taft Avenue Station.

Samantala, alas-5 naman ang unang biyahe ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa Recto at Antipolo Stations.

About The Author