dzme1530.ph

US Secretary of State Marco Rubio, planong bumisita sa Pilipinas sa susunod na buwan

Loading

Plano ni US Secretary of State Marco Rubio na bumisita sa bansa sa susunod na buwan para pagtibayin ang kahalagahan ng alyansa ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng Trump administration.

Sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na wala pang eksaktong petsa ang pagbisita ni Rubio.

Gayunman, posible aniya ito sa Abril, pagkatapos ng nakatakdang biyahe ni US Defense Secretary Pete Hegseth sa Maynila.

Pagkatapos ng high-level visits ng mga opisyal ng Amerika sa Pilipinas, tiwala si Romualdez na ang handa na ang dalawang pamahalaan na pagtibayin ang “exact timing” ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa White House.

About The Author