Nilinaw ng tagapagsalita ng Supreme Court na ang request for comment sa isang petisyon ay hindi nangangahulugan na nakapagdesisyon na ang Kataas-taasang Hukuman sa kaso.
Ipinaliwanag ni Atty. Camille Ting na kapag inatasan ng Korte Suprema ang isang partido na magsumite ng komento, hindi ibig sabihin ay kinatigan o ibinasura ang petisyon.
Ang paglilinaw ni Ting ay kasunod ng direktiba ng Supreme Court na nag-o-obliga sa mga anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na personal na maghain ng “traverse” o tugon sa compliance na isinumite ng Department of Justice sa ngalan ng government respondents.
Ang traverse o komento ay bahagi ng procedural requirements ng Korte, subalit binigyang diin ng SC spokesperson na partikular itong nagsisilbi bilang “responsive pleading” sa habeas corpus petitions.