dzme1530.ph

DOJ, naghahanda para sa posibleng oral arguments kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Duterte

Loading

Isiniwalat ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na naghahanda na ang kanyang ahensya sakaling magtakda ng oral arguments ang Supreme Court kaugnay sa petisyon na ibalik si dating Pangulong Duterte sa Pilipinas mula sa Netherlands.

Sinabi ni Remulla na handa siyang humarap sa Korte, kapalit ni Solicitor General Menardo Guevarra, na una nang dumistansya sa habeas corpus petitions na inihain ng mga anak ng dating Pangulo.

Nagsumite ang DOJ ng komento noong Lunes at hiniling sa Kataas-taasang Hukuman na ibasura ang mga petisyong inihain nina Davao 1st District Rep. Paolo Duterte, Davao City Mayor Sebastian Duterte, at Veronica “Kitty” Duterte.

Binigyang diin din ng Kalihim na si dating Pangulong Duterte ay nasa ilalim na ngayon ng hurisdiksyon ng International Criminal Court, at hindi na ito saklaw ng legal system ng Pilipinas.

 

About The Author