Niresbakan ng Malakanyang si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte matapos batikusin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng pag-aresto sa ama nito na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang binanatan ng nakababatang Duterte ang Pangulo dahil hinayaan umano nitong dakpin ang kanyang ama, na nagpalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani.
Sa press briefing, binigyang diin ni Palace Press Officer Usec., Atty. Claire Castro, na hindi dapat mahinto ng utang na loob ang pagpapatupad ng batas.
Hindi aniya dapat traydurin ang commitment sa Interpol.
Sinabi pa ni Castro na nagpahayag na ng taos pusong pasasalamat si Pangulong Marcos sa nakatatandang Duterte hinggil sa pagpapalibing sa ama nito noong 2016.