dzme1530.ph

Australia, naglabas ng travel advisory laban sa Pilipinas sa gitna ng isyu sa seguridad

Loading

Naglabas ng travel advisory ang Australia para sa kanilang mga mamamayan na bumibisita sa Pilipinas bunsod ng security concerns.

Batay sa Advisory, pinagdo-doble ingat ng Australian government ang kanilang citizens sa buong Pilipinas bunsod ng banta ng terorismo at krimen.

Posible rin umano na tumaas ang banta ng mga demonstrasyon at pag-aalsa kasunod ng mga kaganapan sa bansa kamakailan.

Bunsod nito ay pinaiiwas ng kanilang pamahalaan ang Australian citizens sa Pilipinas sa pinagdarausan ng mga kilos-protesta at malalaking pagtitipon.

About The Author