dzme1530.ph

Usapin sa West Philippine Sea, mahalagang election issue

Loading

Kumbinsido ang maraming Pilipino na mahalagang election issue ang laban ng bansa para sa West Philippine Sea.

Ito ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino kaugnay ng bagong survey na nagpapakita ng malaking suporta ng mga botante para sa mga kandidatong naninindigan sa karapatan ng Pilipinas sa WPS.

Tinukoy ni Tolentino ang SWS survey na suportado ng 78% ng mga Pilipino ang mga kandidatong nakikipaglaban sa karapatan ng bansa sa WPS – sa gitna ng lumalalang agresyon ng China.

Sa survey, 77% ng respondents ang sumang-ayon na dapat lalong palakasin ng pamahalaan ang alyansa nito sa ibang bansa sa pamamagitan ng joint patrols, sails, at military exercises para depensahan ang exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ipinahiwatig din aniya sa survey na ang pagpasa ng Philippine Maritime Zones Act at ang multilateral stance ng administrasyon sa usapin ng pambansang seguridad, dipensa, at foreign policy ay naaayon sa pangkalahatang pananaw ng ating mga kababayan.

About The Author