“so be it kung ito ang destiny ko”
Ito ayon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang video na ibinahagi sa Facebook account nito, bago ang paglapag ng kaniyang sinasakyang chartered plane, sa The Hague, Netherlands.
Ayon sa dating chief executive, wala namang dapat ikabahala gayung nasa maayos itong kalagayan sa kabila ng mahabang biyahe.
Muli ring iginiit ng dating Pangulo na handa itong panagutan ang lahat nang nangyari noong ito ang namumuno sa bansa.
Nanindigan din ang dating lider na magpapatuloy ito sa paglilingkod sa bansa.
Ligtas na nakalapag ng The Hague Airport sa The Netherlands ang chartered plane na sinakyan ng dating pangulo, kagabi.
Sa ulat, dumating si Duterte sa Rotterdam alas-11:53 ng gabi ng Miyerkoles, oras sa Pilipinas.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng International Criminal Court ang dating pangulo.
Sa statement na ibinahagi ng ICC sa kanilang website, inihayg nito na ang pag-aresto kay Duterte ay alinsunod sa inilabas na warrant of arrest laban dito dahil sa crimes against humanity bunsod ng kaniyang madugong anti-drug campaign.