Muling naghain ng ikalawang petition for habeas corpus ang panig naman ng kampo ni Davao City Mayor Sebastian Baste Duterte, na humihiling ng agarang pag-papauwi at pag-papalaya sa kanyang ama, na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte mula sa The Hague, Netherlands.
Ayon sa judicial records, kinumpirma nila na natanggap na ng Supreme Court ang petisyon ng alkaldeng si Baste pasado alas-9:00 ng umaga, kanina.
Matatandaan sa kaparehong araw, bandang alas 10:35 ng umaga ng dumating at maghain rin ng petition ang dating Chief Presidential Legal Counsel na si Atty. Salvador Panelo kasama ang kanyang anak na si Atty. Salvador Paolo Panelo Jr, ng writ of habeas corpus sa ilalim ng petition ng bunsong anak ng dating president na si Veronica “kitty” Duterte.