Nakabawi ang foreign currency reserves ng bansa noong Pebrero, makaraang tumaas ang deposito ng national government sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Sa datos mula BSP, umakyat sa $106.7 billion ang gross international reserves (GIR) mula sa $103.3 billion noong Enero.
Ayon sa Central Bank, ang lumobong GIR level ay repleksyon ng net foreign currency deposits ng pamahalaan, tumaas na halaga ng ginto, at net income mula sa investments sa ibang bansa ng BSP.