Bistado ang mga JoyRide rider na rumaraket bilang habal habal sa ikalawang Interdiction Operation ng pamunuan ng JoyRide PH kasama ang Philippine National Police sa Rotonda Taft Avenue Pasay.
Kabilang sa mga hinarang ang dalawang Fake JoyRide riders na hindi konektado pero gumagamit ng uniform, at 3 pasaway nitong rider na rumaraket bilang habal habal, na nangongontrata ng pasahero at hindi pinadadaan sa lehitimong booking ang transaksiyon.
Ayon sa Manager ng JoyRide Superapp Training & Driver Management, na si Laurence Y. Elumbra, ang kanilang mga nasita na nagpapanggap na rider ay dadalhin sa police stations upang i-blotter habang ang nahuling pasaway na riders ay papatawan naman ng suspension at deactivation.
Sunod na kanilang ino-operate ay ang bahagi ng Heritage at MOA sa kahabaan ng EDSA, at iba pa.
Sinabi pa ni Elumbra na tuloy-tuloy ang kanilang kampanya o interdiction operation sa buong Metro Manila, bilang suporta na rin sa road crimes prevention efforts ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police (PNP).