dzme1530.ph

Pagpapahayag ng mga saloobin kaugnay sa impeachment proceedings, karapatan ng kahit sino —Pimentel

Loading

Iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na karapatan ng publiko at ng iba’t ibang sektor na kumilos upang maiparating ang kanilang posisyon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay kasunod ng paglulunsad ng iba’t ibang religious groups at sectoral representatives ng People’s Impeachment Movement para ipakita na may clamor para magconvene na ang impeachment court at agad ng masimulan ang paglilitis laban sa Bise Presidente.

Target ng mga grupo na makakalap ng isang milyong lagda upang ipressure ang Senado para umpisahan ang trial.

Ayon kay Pimentel, wala namang maaaring humadlang sa sinumang grupo upang gawin ang mga ganitong hakbangin.

Pero sinabi ni Senate President Francis Escudero na hindi siya makukumbinsi na lumabag sa batas kahit pa makakalap ng isang milyong lagda ang binuo na People’s Impeachment Movement.

Ayon kay Escudero, walang sapat na bilang ng lagda ang maaaring mag amyenda sa batas o kaya ay makahimok sa kanya na lumabag sa batas sa pamamagitan ng pagconvene sa impeachment court kahit nakarecess ang sesyon ng Kongreso.

About The Author