dzme1530.ph

Gobyerno, nakatutok sa early childhood development para maiangat ang pamantayan ng edukasyon sa bansa

Loading

Prayoridad ng pamahalaan na maipatupad ang mga hakbang upang mapagbuti pa ang early childhood development bilang bahagi ng pagpupursige na maiangat ang overall educational standards ng bansa.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinagot ni Presidential Communications Office Undersecretary, Atty. Claire Castro ang concerns tungkol sa estado ng edukasyon sa Pilipinas.

Kasunod ito ng nag-viral na social media story ng isang noontime show contestant na umamin na wala itong alam sa Comelec.

Tiniyak muli ni Castro sa publiko na committed ang administrasyon sa pagtugon sa mga problema at ginagawa ang lahat upang maiangat ang lebel ng edukasyon sa bansa.

Isa na aniya rito ang pagbutihin ang pundasyon ng edukasyon para sa mga batang mag-aaral, batay sa rekomendasyon ng Second Congressional Commission on Education.

About The Author