Iminumungkahi ng Hukbong Katihan ng Pilipinas na magkaroon ng missile system ang bansa para makasunod sa ginagawang Comprehensive Archipelagic Defense Concept ng Armed Forces of the Philippines.
Layon umano nitong mas mapagtibay at mapalakas ang pang depensa ng bansa sa mga hamon sa teritoryong sakop nito na maisasakatuparan kung may sapat na pondo.
Dahil dito, hinimok ng Philippine Army ang Kongreso na magbigay ng suporta sa AFP upang madagdagan ang modernization budget para makabili ng mga kinakailangan nitong kagamitan.
Nilinaw ni Phil. Army Spokesman, Col. Louie Dema-ala na ang ginagamit ng Pilipinas na Typhon missile system ay pagmamay-ari ng US Army Pacific at ginagamit ito para sa mga exercises sa pagitan ng dalawang hukbo.
Aniya, wala pang plano sa ngayon ang Pilipinas na bilhin ang naturang missile system ng Amerika.