Kinumpirma ni Sen. Risa Hontiveros na isusulong niyang palitan siya ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa pagiging kinatawan ng minority bloc sa Commission on Appointments.
Sinabi ni Hontiveros na sa pagbabalik sesyon ng Kongreso sa Hunyo 2, ino-nominate niya si Pimentel para maging kinatawan ng minority bloc.
Ayon sa senadora, nagsilbi si Pimentel bilang pangulo ng Senado at may karanasan ito upang tiyakin na ang pinaka-kwalipikadong indibidwal lamang ang itinalaga sa mga pangunahing posisyon sa gobyerno.
Ang Commission on Appointments ay responsable sa vetting at pagkumpirma ng mga ina-appoint ng pangulo sa Gabinete, Judicial and Bar Council, foreign service, military, at constitutional commissions.
Sa representasyon ni Pimentel sa Minorya, naniniwala ang senadora na magiging patas, may pananagutan, at transparent ang CA.