Tiniyak ni Sen. Sherwin Gatchalian ang suporta sa plano ni Sen. Risa Hontiveros na irekomenda ang balasahan sa loob ng Bureau of Immigration kung hindi makapagbigay ng report sa loob 15-araw sa pagtakas noon ng grupo ni Alice Guo.
Sinabi ni Gatchalian na dapat maipakita ng BI na may kakayahan at initiative sila para malaman ang issue na ito.
Maging si Gatchalian ay dismayado na makalipas na ang halos isang taon ay hindi pa rin makumpirma ng BI kung paano nakatakas ang grupo ni Guo.
Lumilitaw aniya na walang alam ang BI sa mga nangyayari sa borders ng bansa.
Iginiit ng senador na kung sya ang tatanungin dapat sa halip na sumulat at naghihintay ng sagot ang BI sa kanilang counterpart kaugnay sa isyu, mas mabuting nagtungo na sila mismo sa Kuala Lumpur at nagsiyasat.
Napakahina aniya ng BI kung hindi maisip ang mga ganitong paraan.