dzme1530.ph

Danger level heat index, mararanasan sa 4 na lugar sa bansa ngayong araw

Loading

Inaasahan ang mataas na heat index sa apat na lugar sa bansa ngayong araw, March 5.

Batay sa forecast ng Pagasa, posibleng pumalo sa hanggang 43°C ang heat index sa Legazpi, Albay; Virac (Synop), Catanduanes at CBSUA-Pili Camarines Sur na maaaring pinakamataas na heat index o damang init ngayong Miyerkoles.

Habang 42°C heat index naman sa San Jose Occidental, Mindoro, kung kaya’t asahan din ang maalinsangang panahon.

Pinapayuhan naman ng state weather bureau ang publiko na limitahan ang physical outdoor activities para makaiwas sa banta ng heat stroke, heat exhaustion, at heat cramps.

Samantala, tiniyak naman ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. at Palace Press Officer, Atty. Claire Castro, sa publiko ang kahandaan ng gobyerno para sa agarang pagtugon sa mga posibleng epekto ng matinding init ng panahon.

About The Author