Hindi aabot sa record-breaking temperature na gaya ng naranasan sa Strong El Niño noong nakaraang taon ang mainit at dry season ngayong taon.
Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Chief, Ana Liza Solis, humina na ang Northeast Monsoon o Amihan na nagdadala ng malamig na temperatura sa bansa.
Gayunman, wala pa aniyang deklarasyon na nag-umpisa na ang mainit na panahon sa Pilipinas.
Sinabi ni Solis na posibleng ideklara ang simula ng dry season sa ikatlong linggo ng Marso, kapag umabot na sa 39°C ang temperatura sa Northern Luzon, partikular sa urban areas.