dzme1530.ph

Sapat na supply ng tubig sa lahat ng pasilidad ng BuCor ngayong panahon ng tag-init, ipinag-utos

Loading

Dahil sa nalalapit na summer season, ipinag-utos ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. sa mga opisyal ang sapat na supply ng tubig sa lahat ng pasilidad ng BuCor.

Inatasan din ni Catapang si CSupt. Ma Cecilia V. Villanueva, OIC-Deputy Director General for Reformation at Acting Director for Health and Welfare Services (DHWS), na maghanda kasunod ng abiso ng Pagasa na papalapit na ang tag-init.

Si Villanueva, na siyang head ng New Bilibid Prison Hospital, ay nagsabi na mahalaga na gumawa ng agarang hakbang upang maiwasan ang mga kondisyong pangkalusugan dulot ng mataas na heat index sa loob ng mga pasilidad ng BuCor.

Inatasan din nito ang lahat ng Chiefs ng Health Service Bureau-wide na magmonitor at ipatupad ang mga preventive actions at agad mag-report sa tanggapan ng DHWS sa loob ng 24-oras.

Pinagtibay ni Villanueva ang mga tip sa kalusugan na inisyu ng Department of Health sa panahon ng tag-init.

Maaaring mapigilan ang sunburn kung mag -iskedyul ng aktibidad sa labas sa umaga o sa hapon., at iwasan ang init ng araw sa pagitan ng 10 a.m.-2 p.m..

Maghanap ng lilim o malamig na lugar upang maiwasan ang mga masasamang epekto ng labis na pagkakalantad sa araw. Gayundin, maiwasan ang heat stroke sa pamamagitan ng pag-inom ng 8-12 baso ng tubig kada araw.

About The Author