Hinimok ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang mga employer na bigyan ng maiiksing pahinga ang kanilang mga empleyado, sa harap ng mapanganib na lebel ng heat index sa ilang bahagi ng bansa.
Kabilang sa ipinanawagan ng TUCP sa mga employer ay bigyan ng heat break ang mga manggagawa, lalo na ang mga nasa labas, tuwing kainitan ng araw o alas-11 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Magpatupad ng buddy system bilang proactive monitoring system para sa mga empleyado upang matingnan ang kalagayan ng isa’t isa.
Magkaroon ng mandatory heat stress orientation sessions, na susuportahan ng periodic refresher courses o training guides upang ma-educate ang mga manggagawa tungkol sa hydration, heat stress symptoms, at pagbibigay ng lunas.
Binigyang diin ng TUCP na ang pagbibigay ng proteksyon sa mga empleyado mula sa matinding init ng panahon ay hindi optional kundi moral and legal obligation ng labor, employers, government, at lahat ng stakeholders.