dzme1530.ph

MMDA, hinimok pag-aralan na i-counterflow ang busway sa EDSA upang maiwasan ang pag-abuso sa paggamit ng kalsada

Loading

Upang tigilan na ang pag-abuso sa busway sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) ng mga pasaway na sasakyang walang pahintulot na gamitin ito, iminungkahi ni dating Senador Panfilo Lacson na baligtarin ang daloy ng mga bus na gumagamit nito.

Ginawa ni Lacson ang mungkahi sa press briefing ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa San Jose del Monte City, Bulacan kasunod ng paulit-ulit na ulat ng pag-abuso sa bus lane, kabilang ang convoy ng Philippine National Police (PNP).

Iginiit din ni Lacson na walang  exemptions dapat dito kasabay ng pahayag na ang pag-eexempt sa sarili ay dapat gawin on your own risk.

Ang EDSA busway ay isang dedicated bus lane na may layuning bigyan ng ligtas at maaasahang pagbiyahe para sa mga commuter.

Samantala, hayagan namang tinutulan ni dating Senate President Tito Sotto ang mungkahing dagdagan ang mga exempted sa pagbabawal na dumaan sa EDSA busway.

Sinabi ni Sotto na kung ang ordinaryong mamayan ay nagtitiis sa regular lanes sa EDSA, sino naman ang mga opisyal ng pulis para payagang dumaan sa busway.

About The Author