Hindi na maituturing na biktima at maari ng kasuhan sa paglabag sa batas ang mga Pinoy na kabilang sa mga dayuhang naaresto ng Presidential Anti Organized Crime Commission PAOCC sa isang operation sa lungsod ng Pasay.
Ito ang inihayag ni CIDG Chief P/ Major General Nicolas Torre sa ambush interview kasabay ng pagsalakay ng PAOCC sa isang POGO hub sa one will condominium sa lungsod ng Pasay.
Giit ni Torre hindi na pakakawalan ang mga pinoy at isasailalim sila sa imbestigasyon at kung mapatunayan na kabilang sila sa operasyon ng scamming activities ay mananagot sila sa batas.
Kaugnay nito ipinakita ni Torre sa media ang ilang aparato ng text blasters na inahahalintulad sa isang cellphone na may 30 pirasong sim card na kayang mag text blast sa mga numbers na kanilang bibiktimahin.
Sa naturang operasyon sinabi ni Torre na 399 na mga banyaga ang naaresto na kinabibilangan ng mga Chinese, Korean, Myanmar , Indonesian, Cambodian, Malaysian, Madagascar, ,at Vietnamese habang
101 naman ang bilang nga mga Pinoy na naaresto.