Sinopla ni dating chief presidential legal counsel Salvador Panelo ang National Bureau of Investigation (NBI) matapos irekomendang kasuhan ng kriminal si Vice President Sara Duterte.
Pinababalik ni Panelo sa law school si NBI Dir. Jaime Santiago, kasunod ng rekomendasyon ng ahensya na sampahan ng mga kasong inciting to sedition at grave threats si VP Sara nang wala umanong legal na basehan.
Iginiit ng dating opisyal ng Duterte administration na ang hakbang ng NBI ay malinaw na mayroong bahid-politika at isang demolition job upang mabura si VP Sara sa presidential race sa 2028.
Nag-ugat ang rekomendasyon ng NBI sa ibinunyag ni VP Sara sa press briefing noong Nov. 2024, na may inutusan siyang tao para paslangin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at Speaker Martin Romualdez, kapag siya ay pinatay.