Inaasahang maku-kumpleto sa ikalawang quarter ng 2025 ang nagpapatuloy na pamamahagi ng fuel subsidy para sa Public Utility Vehicle (PUV) drivers.
Ayon kay Transportation Usec. Jesus Ortega, bukod sa PUV modes na nasa ilalim ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, saklaw din ng one-time cash grant ang tricycle drivers at delivery riders upang mapagaan ang epekto ng pagtaas sa presyo ng petrolyo.
Kabuuang 1,026,306 beneficiaries ang pagkakalooban ng fuel assistance, kabilang ang tricycle drivers at delivery riders.
Sa sandaling makumpleto ang distribusyon, 286,306 PUV units; 600,000 tricycle drivers; at 140,000 delivery service riders ang makatatanggap ng cash grant, depende sa antas ng serbisyo na kanilang sasakyan.