dzme1530.ph

CAAP: 4 katao kumpirmadong nasawi sa bumagsak na eroplano sa Ampatuan, Maguindanao del Sur

Loading

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), sa pamamagitan ng U.S Embassy sa Maynila, na apat ang nasawi sa plane crash sa Ampatuan, Maguindanao del Sur kahapon, Feb. 6, 2025.

Ayon sa CAAP ang sasakyang panghimpapawid na kinontrata ng militar ng Estados Unidos ay nag-crash sa Barangay Malatimon, Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Ang flight ay bahagi ng isang nakagawiang misyon bilang suporta sa US-Philippine Security Cooperation Activities.

Nakikipag ugnayan na ang CAAP sa mga lokal na awtoridad upang matukoy ang sanhi ng insidente.

Ang sasakyang panghimpapawid, na isang Beechcraft King Air 300 at may numerong N349CA, ay umalis mula sa Cebu para magsagawa ng aerial survey.

About The Author