dzme1530.ph

ESDA Busway, gagamiting special lane sa hosting ng ASEAN sa 2026

Loading

Gagamitin ng gobyerno ang EDSA Busway bilang special lane para sa pagho-host ng Pilipinas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa susunod na taon.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Romando Artes na sisimulan na sa Marso ang EDSA rehabilitation, at sisikapin itong matapos bago ang 2026 ASEAN.

Kaugnay dito, sa preparasyon para sa ASEAN ay tututukan ng MMDA ang pangangasiwa sa trapiko, at sa mga venue na pagdarausan ng mga pagtitipon at mga hotel.

Ang DPWH naman ang mamamahala sa imprastraktura, at Dep’t of Tourism para sa turismo.

Ang EDSA busway bilang special lane ay inaasahang ipagagamit sa official delegations ng ASEAN countries.

About The Author