dzme1530.ph

Bagong PhilHealth chief, nangakong aayusin ang mga sakit ng ahensya

Loading

Hahanapan ng lunas ni bagong Philippine Health Insurance Corp. President at CEO Dr. Edwin Mercado, ang mga sakit sa ahensya.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Mercado na aminado siyang napakalaki ng hamong kanyang kinahaharap.

Bilang isang doktor din umano ay ramdam niya ang hinaing ng mga pasyente, kabilang na ang napakalaking bayarin sa mga ospital.

Kaugnay dito, una umano sa kanyang gagawin ay pag-aralang mabuti ang mga prosesong kailangang baguhin.

Kabilang dito ang pag-aalis ng leaks o wastage, pagtataguyod ng transparency at digitalization, at pagpapabilis sa paglalabas ng claims.

Ito umano ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpatuloy at palawigin ang serbisyo ng PhilHealth.

About The Author