dzme1530.ph

Catriona Gray, naiyak sa “Hanggang Dito Na Lang” performance ni TJ Monterde

Loading

Isa si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga nagpahid ng luha nang awitin ni TJ Monterde sa concert nito ang heartbreak song na “Hanggang Dito Na Lang.”

Sa videos na ibinahagi ng concertgoers sa social media, bago ang performance ay sinabi ni TJ na isa sa pinakamahirap na part ng relationships ang goodbyes.

Nakita sa led screen si Catriona na nagpupunas ng luha at nagtakip ng bibig, na tila nagpipigil ng matinding emosyon.

Napansin na ilang upuan lamang ang pagitan ni Catriona mula sa aktor na si Sam Milby, sa kabila ng tsismis na hiwalay na sila.

Matatandaang inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement noong February 2023, subalit napabalitang nagkakalabuan ang mga ito, hanggang sa mapansin ng fans noong may 2024 na tinanggal na ni Catriona ang engagement photos kasama si Sam sa kanyang Instagram page.

About The Author