Maglalabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng bagong suggested retail price (SRP) guide kasunod ng pagtaas sa presyo ng mahigit 60 items.
Ayon sa DTI, ang bagong listahan na magsisilbing gabay ng mga consumer ay inaasahang maire-release, bukas.
Saklaw nito ang 62 items, kabilang ang iba’t ibang brands ng sardinas, canned meat, evaporated milk, Pinoy tasty at Pinoy pandesal.
Inaasahang tataas din ang presyo ng mga kandila at baterya.
Sinabi ni DTI Assistant Sec. Agaton Uvero na ang price increase ay tinaya sa 2% hanggang 9%.