Nagsanay ang Dep’t of Science and Technology ng libu-libong researchers sa mga unibersidad, para sa paggamit ng Artificial Intelligence.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni DOST Sec. Renato Solidum Jr. na kina-kailangan ang mga AI specialists dahil maraming proyekto ang gobyerno sa AI, sa iba’t ibang larangan.
Kabilang sa mga ito ay nasa kalusugan para sa mabilis na disease identification o pagtukoy ng sakit, sa pagtuturo, at sa agrikultura partikular sa post-harvest, halimbawa ay sa pagpili sa magandang klase ng mangga at durian para sa export.
Kasama rin ang robotics para sa industriya, traffic management, at disaster risk reduction sa pamamagitan ng hazard hunter na nagbibigay ng automated na plano sa hazard at risk areas.
Malaki rin ang papel ng AI sa weather forecasting, para sa mas mabilis at mas accurate na pag-predict sa lagay ng panahon.