Mahigit doble ang tinubo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong nakaraang taon.
Lumobo sa ₱16.77-B ang net income ng PAGCOR noong 2024 mula sa ₱6.81-B noong 2023.
Tumaas ng 51% o sa ₱84.97-B ang kanilang net operating income mula sa ₱56.38-B, bunsod ng matatag na performance ng electronic gaming sector.
Ibinida rin ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco na pumalo sa all-time high na ₱112-B ang kanilang revenue.
Nalagpasan ng PAGCOR ang dating pinakamataas na revenue record na ₱81.98-B na naitala noong 2019, bago tumama ang COVID-19 pandemic. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera