dzme1530.ph

Kongreso, nagluluksa sa pagpanaw ni Albay First District Rep. Edcel Lagman

Nagluluksa ang buong Kongreso sa pagpanaw ng beteranong mambabatas na si Cong. Edcel Lagman ng 1st Congressional District ng Albay.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, sa pagyao ni Lagman malaki ang iniwan nitong espasyo hindi lang sa Kongreso kundi sa PH public service.

Hindi lang umano kasamahan sa trabaho, dahil nakilala si Lagman bilang ‘passionate at fearless legislator’ na nirerespeto ng lahat.

Si Lagman ayon kay Romualdez ay kilala bilang ‘sharp intellect, at principled man’ na hindi nagpapatinag sa pinaniniwalaan nitong causa o adbokasiya.

Agad ding nagpaabot ng pakikiramay si AGRI partylist Rep. Wilbert Manoy Lee.

Ayon kay Manoy Wilbert, bilang kapwa Bicolano at kapwa mambabatas, si Manong Edcel ay nagsilbi at patuloy na magsisilbing inspirasyon sa pagtatanggol sa karapatan pantao, pagsusulong ng makabuluhang batas, pagtataguyod ng makatarungang lipunan, at paglilingkod sa Diyos, kapwa at bansa.

Agad namang inilagay sa half-mass ang watawat sa loob ng Batasan Complex bilang simbolo ng pagdadalamhati at pagrespeto sa namayapang kongresista. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author