dzme1530.ph

Iba’t ibang aktibidad, tampok sa “Tara sa Palasyo” para sa Pasko

Loading

Sinimulan na ang iba’t ibang aktibidad sa Malacañang para sa taunang “Tara sa Palasyo” para sa Pasko.

Simula ngayong araw Dec. 16 hanggang 23, magkakaroon ng Christmas display tampok ang live music, pagkain, at rides sa Kalayaan Grounds.

Kabilang sa libreng carnival rides ay claw machines, basketball arcade, space rocket, mini pirate ship, carousel, at trackless train.

Samantala, simula ngayong araw hanggang Dec. 24 ay isasagawa rin ang Christmas kakanin, at araw-araw na Misa de Gallo.

Ngayong Disyembre ay nauna nang isinagawa ang ibang aktibidad sa Malakanyang para sa Pasko, kabilang ang gift-giving event sa mga bata at Pasko sa Palasyo.  —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author