dzme1530.ph

Pagtapyas sa budget ng edukasyon, ikinalungkot ng isang senador

Loading

Ikinadismaya ni Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian ang pagtapyas ng bicam panel ng Kongreso sa budget ng Department of Education.

Ito ay bilang pagkatig sa pag-alma ni Education Secretary Sonny Angara sa desisyon ng Kongreso na bawasan ng ₱12 billion ang budget ng ahensya.

Sinabi ni Gatchalian na ang pagbabawas ng pondo sa DepEd ay taliwas sa nakasanayan na palaging dinaragdagan ang kanilang budget.

Ibinaba ng bicam sa ₱737 billion mula sa ₱748.65 billion ang proposed 2025 budget ng DepEd.

Sinabi ni Gatchalian na kinakatigan niya ang sentimyento ni Angara lalo na’t apektado ng budget cut ang procurement ng computers at gadgets para sa pag-aaral at dapat itong nabibigyan ng prayoridad.

Aminado naman ang senador na limitado ang fiscal space ng gobyerno kaya dapat ibalanse ang paggamit ng pondo. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author